Friendster Profile Flashback

Posted by Silver on Mar 10, 2009 in Life's musings |
Friendster / By drewberry (Deviantart.com)

Friendster / By drewberry (Deviantart.com)

1:50 a.m. Inabot na ako ng madaling araw sa harap ng laptop ko. Nag-iisip pa ako ng magandang entrada sa susunod kong sulatin at the same time, nagdadasal na din na sana yung chapter 1 ko ay makapasa na sa panlasa ng boss ko. Hindi matigil ang utak ko sa pagtakbo- sinyales na mukhang naka-recover na ako sa writer’s block ko kagabe. It was the ordeal of my life kapag sinusumpong ako ng writer’s block. Kulang na lang e tawagin ko ang mga demonyo este anghel, mawala lang ang writer’s block ko.

At habang busy pa ang isang side ng utak ko sa kakaisip ng entrada sa susunod kong gawain, naisipan kong bisitahin ang friendster profile ko na parang kay tagal ko ng di-nasilip. I have this thing about multi-tasking. I am a multi-tasking addict. Ewan ko ba. Parang di ako mabubuhay kung di sabay-sabay ang mga gawain ko. Nakakawindang pero nakakaenjoy na minsan e nakakastress talaga. Hay, talagang tatanda na ako nito. Hahaha…

Okay, so chineck ko na ang friendster profile kong inaamag na ata. During my college days, hindi ka “in” sa barkada kapag wala kang friendster profile. Ngayon, hindi ka “in” kapag wala kang facebook, tagged, twitter, linkedin, deviant art, digg etc. etc. pang account sa internet. Masasabi ko na din na taong internet na din ako – dahil sa dami ng accounts ko online at dahil na din sa nature ng work ko. Bihira na din ako lumabas ng bahay – senyales na may pagka-anti-social ako. Hindi ko kasi vibes ang neighbors kong tsismoso, tsismoso, intregero, at intregera. At ayaw ko sa mga kwentong bulok. In short, suplada ako sa personal. Pero pagdating sa internet, ewan ko ba, parang mas social pa ako. Haha..

So chineck ko nga ang friendster profile ko at voila, ang daming update mula sa aking friends. Tinignan ko ang update dun sa friendster group page ng highschool classmates namin. At surprisingly, nakaramdam ako na parang naiwanan na ata ng panahon or something. Nalaman ko through their profiles na yung iba e nag-asawa na, may anak na, mga OFW na, at yung ilan na tulad ko e SINGLE pa rin. Haha. Sinasabi ko na nga ba. Ako na naman e kasama sa the last man standing sa batch namin. Bwahaha.

Yung iba e naging teacher, pulis, engineer, nurse, call center agent, accountant, nanay, tatay o production operator. Nakakaaliw basahin ang mga profile nila. Minumura na nga ako ni Firefox dahil uber dami ng tabs ang nabuksan ko ng sabay-sabay. Si Vista naman e kulang na lang tadyakan ako dahil sa sobrang bilis ko magpindot ng kung ano-ano. Pati ang mouse ko e balak pang mag-resign. Haha.

May iba pa nga nagpost ng old highschool pictures namen. Shet! Ano ba yan! Nakita ko ang aking old highschool self. Ang makulit at madaldal kong imahe. Notorious na class sleeper lalo na sa time ng values at THE (Technology and Home Economics) pero alive alive kapag physics, chemistry, biology, english at social studies. (At least most of the time sa klase e gising ako. Hahah)

Makulay ang aking highschool life. Mas masaya pa kaysa sa college life. Masyadong stressful at uber sa competition ang college life ko dahil kailangan namin mag-maintain ng specific grade kada semester para di masibak mula sa kurso namin. Natawa ako sa highschool pictures ko. Halatang yun ang aking childish state na hanggang ngayon e parang kasama ko pa rin.

Maraming pagbabago ang nakita ko sa mga highschool classmates ko. Ang mga mukha na dati kong kasama sa kakulitan, kadramahan pag hindi pinansin ng crush, magkopyahan during exams (haha) at lahat lahat – ang laki ng pinagbago nila. Aside sa nagmature na ang mukha nila, napapaisip nga ako ng what if makasalubong ko ito sa kaye, e kilala pa ba nila ako?

Napaflashback ako habang nakita ko ang mga profiles nila. At habang busy ang isang side ng utak ko sa kakaisip ng entrada sa susunod kong writing chore, nagflashback ang isang side ng utak ko – flashback to good old high school memories. Totoo nga ang sinabi ng isang high school teacher ko dati – ang saya talaga ng high school life.

Nagka-idea tuloy ako na what if kung sumulpot ako bigla sa aking high school alma mater at magparamdam ulet sa institusyong naging saksi sa aking high school life? Haha…At baka mabulaga ang mga dati kong teacher doon. Hahah…

Viewed 425 times by 83 viewers

Tags: , , ,

4 Comments

  • Reesie says:

    multi-tasking galore!! ang multitasking ngayon ay kinokonsider na as talento.. hahhaha

    high school ..so many memories.. so hard to forget.. hay…

    pero for me, mas masaya ako noong elementary.. walang problema at walang stress.. sa high school kasi..nagsisimula na ang mga problema – lovelife, study, etc. masasabi ko rin sa grade school ako pinakamasaya kasi ung mga characters sa mga panaginip ko ang mga classmates or teachers ko sa elementarya ..kahit hanggang ngayon.. ewan ko ba kung bakit.. napapaniginipan ko pa nga grade school crush ko eh.. nakakatawa.. lol. cguro, the happiest part of my life was when I was like 10-12 years old…

    teka nga lang at mabisita ko ang friendster.. dinedeadma ko na sya lately dahil sa facebook.

    Like or Dislike: Thumb up 0 Thumb down 0

    [Reply]

  • Reesie says:

    BSOD kamo? Haha.. kung gaano ka fast ung brain mo ganon din ka bilis ang mga kamay mo sa pagpindot ng PC? maloloka nga talga sayo.. ako eh ang average number na windows na naka open is 10. hehe.. wala akong talent sa multi-tasking.. dapat tatapusin ko muna yung ginagawa ko bago gawin ang iba.. kaya talent yan.. kulang nlng sayo 10 pang mga kamay para maka keep-up sa brain mo.. at 100GB RAM. LOL

    Like or Dislike: Thumb up 0 Thumb down 0

    [Reply]

  • Silver says:

    May point ka nga dyan…elementary is indeed a stress-free time…

    Sa akin kasi hindi maganda ang memories ko ng elementary kasi I experienced bullying (another blog topic perhaps?? Haha) so medyo fractured sa akin ang elementary years ko. As in uber baba ang self-esteem ko noon elementary pa ako..It only got better noong grade 6 ako, nung medyo nakahugot na ako ng self-esteem mula sa sarili ko…

    Kaya nga pag may nakikita akong binubully na bata, dinadagukan ko yung bully…hahah…LOL..

    Kasi ang hirap ng nasa lagay ng binubully, naranasan ko na kasi, ang hirap dahil everyday mo silang kasama and there is no way escaping them (hindi din pati ako nagsusumbong sa teacher ko noon – siguro once lang pero that’s it..)

    About multi-tasking e, kailangan ko ng mabilis na PC or laptop kasi kung ano-ano ang pinipindot ko..nakaranas na yung isang PC ko ng chappy and worse, the blue screen of death – sumuko siya sa akin…hahaha…

    Like or Dislike: Thumb up 0 Thumb down 0

    [Reply]

  • Silver says:

    Hahaha…

    Naimagine ko na…parang octopus…hahaha…Pero I met one guy, web developer siya at OMG, mas mabilis mag-multi-tasking at in fairness, kaya ka pa nyang chikahin all along!! Hahaha…yung ang diyos ng multi-tasking…hahaha…

    Pero tingin ko parang may setback ang multi-tasking: stress at lack of focus. Yung tipong sa dami mong ginagawa, may namiss out kang detalye or something..Parang makina, pag hinarurot mo ng hinarurot e nag-ooverheat…Kaya mag-iingat na ako, baka bigla na lang ako mag-off…hahahah…

    Like or Dislike: Thumb up 0 Thumb down 0

    [Reply]

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags:' <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Please note: Comment moderation is enabled and may delay your comment. There is no need to resubmit your comment.

Powered by WP Hashcash

Copyright © 2008-2010 Dare to Speak Out All rights reserved.
Desk Mess Mirrored v1.4.6 theme from BuyNowShop.com.