Etchuserong Palaka, Tilapia, Pugita, Talangka atbp.
Oo. Etchuserong palaka ka eh. Mahilig bang makidawdaw sa issue nang may issue (while in fact, e wala ka naman kinalaman dun and wala ka naman dun sa pinangyarihan)?? Fine. Kalalakeng tao e napaka-tsismoso. Sus.
Somehow, I regarded that males dont deal too much with women’s issues. Pero nowadays, aside from the disappearance of the so-called Pinoy gentleman, here comes the Filipino etchuserong palaka – pakialamero, intrimidido, tsismoso. Ano ba yan.
Paano kasi, baka di na kilala – syempre, kelangan maging sikat ulet. Kaya making jump to the controversy, manggatong etc. Pwede ba? Wag kang etchusero noh!

And here comes the cannibalizers who loved to eat each other on their blog sites then spread to other sites and attacking other blogs as well. They adhere to the principles of tilapia, pugita and talangka – yeah, seafood variety sila pero they belong BELOW SEA LEVEL.
Instead of contributing something good for the common people, these below sea level guys loved to attack and slander other people; as if poising na bobita ang ibang bloggers while they – tend to think themselves as elites daw, as if ubod daw ng talino, yun pala e mas may laman pa ang niyog na matanda kesa sa kanila.
Yes, peeps. Meron mga nilalang sa internet na malakas ang loob na manira ng tao na di naman nila kilala at ginagawa pang battleground ang ibang sites. So anong ipinaglalaban ng mga tilapia, pugita at talangka na ito? Wala. WALANG KWENTA.
Baka nga ang motivation nila e pera. Alam nyo naman ang ibang tao – pera pera na lang ang usapan, kapalit ang prinsipyo at mabuting pakikipag-kapwa tao. Lason ang kanilang diwa at tipong gusto pang hawaan ang ibang nilalang sa Encantadia.
Or, baka naman inggit na ang kanilang kaliskis. Di masikmura ng kanilang apdo at alingi na merong mga simpleng tao na mas higit pa ang kakayanan sa kanila. Hindi nga lang mahilig maki-epal at magpasikat – napaka-low profile. Pero wag ka, pag bumanat, baka taob ka na.
So anong moral lesson nitong pinagsasabi ko?
Wag sana kayo maging utak tilapia, pugita at talangka. Most of all, lalo na sa boys, wag maging etchuserong palaka!
Viewed 839 times by 273 viewers





one Dlog err Vlog este BLOG pala is even using Barrio Siete to sensationalize a story. another one is now running away from his slanderous entry. Y kaya?
Like or Dislike:
0
0
[Reply]
Silver Reply:
March 18th, 2010 at 10:13 am
Ewan ko ba sa mga animales na yan Reynz. Mga abnormal ang pamumuhay eh.
Like or Dislike:
0
0
[Reply]